Tuesday, September 02, 2003

ANG BUHAY SINGLE

Bakit ba tuwing may "get2geder" ang mga tao,

mapa-family reunion man or

simpleng barkada gimik,

ang unang tanong sayo ay

"May boyfriend ka ba?"

at bago ka pa maka-sagot ay maririnig mo naman ang

"Bakett walaaaaaa??!"


Hayyy, kelangan ba talagang may bitbit kang boylet sa

mga occasions na ito?

Pano kung wala talaga?

Alangan namang maki-usap pa ako sa

mga "close" guy friends ko

para mag-panggap na "kami"?!

Di naman ata tama yun, dee-bah?


How I wish na sana mas maintindihan ng mga tao

na sa mga panahon ngayon

ay "accepted" na sa society na MEDYO made-delay

ang pag-iisang dibdib ng mga kababaihan..

especially girls like me

who want to get into so many things

all at the same time.


I also wish that people would understand that

OKAY LANG AKO

and the rest of

THE SAMAHANG MALAMIG ANG PASKO...

Valentines day..

Birthday..etc.

I mean, we do get lonely once in a while..

naiingit din dun sa may mga LOVELIFE...

paminsan-minsan?

kung minsan naman ay nagmumuni sa mga

past kilig moments?

but these lonely moments

do not and will not

make our "world" stop...


Isipin nyo nalang, na kung wala kaming mga single

friends nyo,

eh di wala kayong paghihingaan ng sama ng loob

tuwing nag-aaway kayo ng boylet or girlet nyo?

wala rin kayong "instant date"

kung sakaling nangailangan kayo?...

wala rin kayong mahihila sa mall

para maghanap ng magandang regalo

for your better-half pag xmas...

o kaya pag bday nya?

at ang pinaka-mahalaga sa lahat,

wala kayong KAKAMPI

if things between you and your labidabs

don't work out.


Marami naman sa aming mga singles

ay nakaranas na rin na "ma-in-love"..

yun nga lang,

obvious ba??????????

it all didn't work out!


Pero di naman kami "bitter" o galit sa mundo?

and totoo nga nyan eh

mas lumalalim ang kahulugan ng

"love"

para sa min.

When you're all by yourself,

there's more time to reflect

and

think what you really want it life.

Mas naiisip mo kung ano ba talaga

ang makakapagbigay ng tunay na ligaya sayo...

at mas naiisip mo kung pano

matutupad ang lahat ng mga pangarap mo.

And while reflecting,

we also get to imagine that we will,

one day....

end up with someone

who will share those dreams with us.

Di naman sa nang-iinggit ako pero

masaya rin ang buhay naming mga single...

Biruin mo we can go out with anybody,

anytime..that is.

We can get into all kinds of things..

like go to the gym regularly..

or get into all kinds of sports...

or any "Self-enhancement" programs, etc...

Mejo tipid din ang buhay single

kasi la naman kaming po-problemahin tuwing

Valentines day or Christmas?

o diba ang saya?

Sa palagay ko naman ay lahat tayo ay

may karapatang sumaya ke single man

o attached ka.

I guess may kanya-kanya lang tayong

panahong lumigaya at

Diyos lamang ang makapagsasabi...

kung kelan nga dadating

and oras na yon.

So, para sa mga kasalukuyang "ATTACHED",

I wish you all the luck and happiness.

Should there be any problems,

don't forget

that your SINGLE friends

are always here for you!!!!!


Sa mga "bagong SINGLES" naman,

wag nang magmukmok!

Enjoy life....

enjoy the single life!!!

There are a lot of things that you will still
discover.

At tandaan mo,

DI KA NAG-IISA!!!

madami-dami tayo..hehehehe :)

At dun naman sa kapwa kong mga SINGLES?

I hope that we are one in believing

that we long for someone

NOT BECAUSE WE WANT TO BE HAPPY

but we long for

someone because

we want to share our happiness with

that special person

for the rest of our lives....


"There are some people who meet that somebody that they can never stop loving, no matter how hard they try. I wouldn't expect you to understand that,or even believe it, but trust me,there are some love that don't go away. And maybe that makes them crazy,but we should all be lucky to end up with that somebody who has a little of that insanity. Somebody who never lets go.Somebody who cherishes you forever."

No comments: